213

Oct 13, 2017 @ 16:47

Bagong tulay na nag-uugnay sa Isabela, Quirino tapos na

Natapos na ang konstruksyon sa bagong tulay na mag-uugnay sa Lalawigan ng Isabela at Quirino.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang proyekto na pinondohan ng P52.2 million ay ang bagong 50-lineal meter bridge na kapalit ng lumang Sisim Bridge sa Junction Ipil-Quirino Road sa San Agustin, Isabela.

“The deteriorating condition of the old bridge necessitates the immediate replacement of bridge in order to sustain the demands of transport activities in the area,” ang bahagi ng pahayag DPWH.

Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Mark Villar, sinabi ni DPWH Region 2 Director Melanio Briosos na malaki ang maitutulong ng bagong-tayong tulay sa paglago ng sektor ng agrikultura at turismo sa dalawang lalawigan, partikular na sa mga Bayan ng San Agustin, Jones at Echague sa Isabela, at Bayan ng Madella at Nagtipunan sa Quirino.

Layunin umano ng nasabing proyekto na tiyakin ang patuloy na daloy ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng dalawang probinsya na mainam para sa socio-economic development. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?