46

Jul 17, 2021 @ 22:43
By

Bagong terminal sa Clark Airport, ininspeksyon ni Duterte

Sa kanyang pagpunta sa Clark nitong Sabado para sa PDP-Laban national assembly ay pinangunahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-inspeksyon sa bagong-gawang terminal building ng Clark International Airport.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs na si Goddes Hope Libiran, ang terminal ay nagawa sa tulong ng hybrid public private partnership sa ilalim ng Build Build Build program ng administrasyon.

“It will surely help decongest traffic at the busy Ninoy Aquino International Airport and provide a better flying experience for locals and tourists alike. I commend the Department of Transportation (DOTr) and all our partners in the private sector for this massive achievement,” wika ni Duterte sa kanyang talumpati.

“This structure before us reflects the manifestations and unyielding commitment to improve the quality of life of every Filipino by providing big-ticket infrastructure projects such as this that will improve connectivity, mobility, create jobs, and disperse economic activity to the regions,” sambit pa nito.

“As we continue to recover from the COVID-19 pandemic and adapt to a new normal, may we all look forward to a safer, easier, and more comfortable travel experience here at the Clark International Airport,” dagdag pa ng pangulo.

Wala pa namang eksaktong petsa kung kailan magbubukas ang terminal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?