23

Nov 18, 2021 @ 14:56
By

Bagong telepono ginawa para sa aso

Maari nang makatawag ang mga alagang aso sa kanilang amo sa bagong imbensyon na telepono para sa mga alaga.

Ayon sa pahayag ng animal-tech scientist sa Britain at Finland, ang DogPhone ay gagana kapag inalog ng alagang hayop ang isang bola na nagti-trigger sa laptop na mag-video call sa device ng may-ari na aso.

Naimbento ito ni Ilyena Hirskyj-Douglas ng University of Glasgow, sa tulong ng kanyang labrador na si Zack, at mga kasamahan mula sa Aalto University sa Finland.

Tinuruan ni Hirskyj-Douglas ang alagang aso kung paano tumawag sa pamamagitan ng paglalaro ng bola.

Ginagamit ni Zack ang device para tawagan ang kaniyang amo para ipakita ang kaniyang mga laruan.

Ayon pa kay Hirskyj-Douglas, ilang beses nagpakita ng interes ang alaga sa tuwing pinapakita nito sa video call ang kapaligiran.

Layunin nilang maibsan ang “separation anxiety” ng mga alagang hayop sa tuwing nalalayo ang mga ito sa kanilang amo sa pamamagitan ng DogPhone. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?