1,544
ABANTE TNT dict telcos telecommunication prepaid load
By

Bagong telco player ng bansa hinamon ng Palasyo

Sharing is caring!

Mabilis na internet service, mura at magandang serbisyo ang hamon ng Malacañang sa Mislatel Consortium na pumasa sa preliminary screening sa bidding ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar walang ibang hangad si Pangulong Rodrigo Duterte kundi mabigyan ng mas magandang serbisyo ang mga Filipino.

Mismong ang Pangulo ay dismayado sa mabagal na internet service ng Globe at Smart kaya’t pinayagan nito na magkaroon ng 3rd telco player sa bansa.

Sinabi ni Andanar na ipinangako ng Pangulo noong panahon ng kampanya ang mas magandang coverage ng mobile phones, mas mabilis na internet service at mas murang paraan ng komunikasyon.

“Sana ay talagang ibigay nila yung serbisyo, iyong kalidad at bilis ng internet na kailangan ng mga kababayan natin. At sana ay makapagbigay sila ng coverage sa mga lugar ng Pilipinas na hanggang ngayon ay wala pa ring mobile service,” ani Andanar.

Mainit ni tinanggap ng kalihim ang pagpasok ng kumpanya ni Dennis Uy na aniya ay kilala niya bilang masikap, bata at pinakabagong tycoon sa larangan ng pagnenegosyo sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Andanar na hindi dapat maliitin ang kumpanya ni Uy gaya ng ginagawa ngayon ng mga natalo sa bidding dahil ang partner nito ay ang China Telecom na napakalaking kumpanya at kilala ito sa China at Hong kong.

“Ang partner ni Dennis ay China Telecom, it is a very big company and it has a very big portfolio in China and Hong kong. Alam naman ng lahat na they have so much capital, and ang pagiging third telco sa bansa natin is not easy,” dagdag pa ni Andanar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?