80
dict
Jun 8, 2018 @ 22:58
By

Bagong ‘telco player,’ kailangan ng mahigit P10-B kapital-DICT

Mangangailangan ng mahigit P10-B puhunan ang papasok na pangatlong telco player sa Pilipinas.

Ito ang napagtanto ng Department of Information and Communication Technology (DICT) matapos na itakda sa inilabas nitong “Policy Guidelines for the Entry of a New Major Player in the Public Telecommunications Market” ang P10-B minimum paid up capital para sa sinumang kompanya na gustong maging bagong telco operator sa bansa.

Sinabi ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio na hindi sapat ang P10-B para sa pagtatayo ng mga imprastraktura at para umpisahan ang operasyon ng third player.

Masyado anya itong maliit kumpara sa ginagastos ng Globe at Smart na hindi bababa sa P50-B.

Ayon kay Rio, hindi pa natatalakay ang nasabing usapin sa inter-agency oversight committee na isinasapinal na ang “terms of reference” sa pagpili ng bagong telco.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Rio na may mapipili na silang bagong telco player sa third o fourth quarter ng 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?