101

Apr 28, 2018 @ 4:32
By

Bagong telco player, ‘di aabot sa SONA ni Duterte – DICT

Inamin ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na mauurong na naman ang pagpasok ng bagong telephone company (telco) player sa bansa.

Ayon kay DICT Officer-in-Charge (OIC) Eliseo Rio, sisikapin nila na makapili ng bagong kumpetensya ng Globe at PLDT bago pa matapos ang taon.

Dahil dito, posibleng wala pa silang napipili na bagong player bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Bagamat aniya tapos na nila ang draft ng terms of reference (ToR) para sa pagpili ng bagong player, kailangan pa itong sumailalim sa pagrebisa ng Oversight Committee na nilikha ng Malakanyang.

Ang Oversight Committee ay binubuo ng DICT bilang chairman at Department of Finance bilang co-chair.

Bukod dito, kailangan din aniya ng mga bidder ng hindi bababa sa dalawang buwan para ihanda ang kanilang mga alok.

Oras na maaprubahan ang ToR, kailangan pa ng DICT na idaan ito sa public consultation.

Kabilang sa mga plano ng ahenya ay ang pagtulong sa bagong player sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga imprastrakturang pang-telecom at pagbibigay dito ng mga fiscal incentive.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?