101

Jan 15, 2021 @ 17:29
By

Bagong teaser ng ‘Voltes V’ Pinoy version inilabas na

Ipinakita na ang bagong teaser trailer ng live action remake ng “Voltes V”.

Makikita sa bagong teaser ang pagdepensa ng Voltes V sa Earth mula sa mga Boazanians.

Hindi pa inilalabas ng GMA kung sino ang magiging cast ng “Voltes V Legacy” pati na ang release date pero “coming soon” na anila ito.

Orihinal na ipinalabas noong ‘70s ang Japanese anime TV series.

Kuwento ito ng pananakop sa Earth ng mga horned humanoid aliens na kilala sa tawag na “Boazanians”.

Tinik sa kanilang lalamunan ang magkakapatid na nagpapagana sa giant ultra-magnetic robot na tinawag na Voltes V.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?