180

Nov 26, 2019 @ 22:26
By

Bagong tarpaulin, OPM sasalubong sa mga SEA Games delegate

Nagpasalamat ang mga netizen sa positive response ng mga organizer matapos itong batikusin sa sari-saring kapalpakan sa pagho-host ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games.

Kinatuwa nila ang tweet ni Gretchen Ho kung saan makikita na naka-set up na ang mga bagong tarpaulin na magwe-welcome sa mga delegado ng biennial meet sa NAIA Terminal 3.

Maliban sa mga cute na tarpaulin ay haharanahin din ng mga Filipino song ang mga darating sa bansa para sa palaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?