166

Aug 22, 2018 @ 13:32
By

Bagong tangke, fighter jet iniyabang ng Russia

Ibinida ng Russia ang mga bago nitong kagamitang pandigma sa ginanap na military show para umano makahikayat ng marami pang banyagang kliyente.

Sabi ni President Vladimir Putin sa Military Technical Forum Army 2018 show, pagpapakita ito ng malaking potensiyal ng Russian military industries at magsisilbing daan para sa militar na pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

Ginanap ang show sa shooting range sa Alabino sa labas ng Moscow noong Martes.

Kabilang sa inihilera ng Russia ang bago nilang fighter jet, ang Su-57; ang Kinzhal hypersonic weapon, exoskeleton combat gear, at ang kanilang Armata battle tank.

Ipinakita rin sa show ang robotic systems ng Russia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?