632

Jul 1, 2019 @ 8:28
By

Bagong super team: Durant, Irving sanib-pwersa sa Brooklyn

Iiwan na ni Kevin Durant ang Bay Area, alsa-balutan na rin si Kyrie Irving sa Boston.

Ang plano? Bumuo ng bagong superteam sa Eastern Conference.

Nasunod ang plano ng Brooklyn Nets, nasungkit hindi lang isa, kundi dalawa sa malalaking isda sa free agency pool.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, handa nang pumirma ng $141M, four year contract si Irving sa Nets.

Nakikipag-usap pa ang Celtics para sa sign-and-trade sa Brooklyn at Charlotte Hornets para kay Kemba Walker.

Samantala, inanunsyo na ni KD ang planong pagpirma sa Brooklyn sa Instagram account ng kanyang agent.

Inaasahang four year, $164M ang offer para sa two-time NBA champion.

Iiwanan ni Durant ang Golden State Warriors, nakaapat na season at gumawa ng dinastiya sa Bay Area, bago napatid ng Toronto Raptors sa nagdaang season.

Sa unang season sa Nets ay hindi makalalaro si Durant, papagaling muna sa ruptured Achilles na natamo sa Game 5 ng Finals.

Target din ng Nets na idagdag sa tropa ang All-Star center na si DeAndre Jordan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?