693

By

Bagong super scorer? Bolick halos walang mintis sa 1st PBA game!

Pinatunayan ni Robert Bolick na kaya niyang iakyat sa PBA ang pambihirang scoring touch na regular na ginagawa sa collegiate ranks.

Sa panalo ng kanyang koponan na NorthPort kontra sa Blackwater, 11-91, nagningning si Bolick na gumawa ng 26 puntos.

Ang mas lalong nakakabilib sa kanyang performance, dalawa lang ang mintis ni Bolick, 10 of 12 sa field, perpektong 7 of 7 sa 2 point FG, at 3 of 5 naman sa tres.

Kasahog pa nito ang tatlong rebounds at dalawang assists sa loob ng 36 minuto bilang starter.

Nakatuwang ni Bolick si Paolo Taha na may 21 puntos, at Stanley Pringle na kumolekta ng 16 points, 7 rebounds, 5 assists at 6 steals.

Para sa Blackwater, sumipol ng 18 puntos at 9 rebounds ang rookie na si Abu Tratter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?