129

Apr 5, 2019 @ 12:37
By

Bagong silang na biik, dalawa ang ulo

‘Two heads are better than one.’

Maging totoo kaya ang kasabihan na ito matapos tumambad ang isang bagong silang na biik na ipinanganak ng dalawa ang ulo.

Ayon sa report ng Bombo Radyo sa kanilang panayam kay Mar Balauag, ang may-ari ng biik, lahat ng kapatid ng biik ay normal na isinilang maliban sa isa.

Unang beses niya umano nasilayan ang isang biik na dalawa ang ulo.

Dinala sa beteniraryo ang biik para mapatingnan dahil sa kakaibang kondisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?