61

By

Bagong ‘sex drugs’ pasok na naman sa bansa

Sharing is caring!

Nagpahayag ng pagkabahala ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa pagkalat ng isang uri ng kemikal na ginagamit din bilang ‘sex drug’.

Inirekomenda na ng PDEA sa Dangerous Drugs Board (DDB) na ipagbawal ang importasyon ng mga kemikal na ginagamit din bilang ‘sex drug’.

Tinukoy ni PDEA Director General Aaron Aquino ang nasabing kemikal na Gamma Butyrolactone (GBL), na isang liquid ecstasy na ginagamit bilang ‘date rapes’ na maaaring ikapariwara ng isang kabataang babae sa oras na nakagamit nito.

Ayon kay Aquino, ang GBL ay bago lamang sa Pilipinas at hindi pa kinokonsiderang ‘dangerous drug’ sa bansa.

“Ang GHB is already considered as dangerous drugs, but itong GBL, with the same effect, ay hindi pa kasi bago lang pumasok sa bansa natin,” sabi ni Aquino.

Sa ngayon, ani Aquino, ay nag-request na sila sa DDB na makategorya ang GBL bilang dengerous drugs.

“GBL is called a date rape drug or club drug, and can increase a person’s sex drive when drunk,” pahayag pa ni Aquino.

Pinapayuhan ni Aquino ang mga magulang na bigyan ng ‘extra take care’ ang kani-kanilang mga anak at bantayan sa kanilang pagpunta sa mga party upang makaiwas na maging biktima ng ‘gang rape’ kapag napagamit ng GBL.

Kamakailan lamang ay nadakip ng PDEA sa kanilang isinagawang raid sa isang hotel sa Taguig City ang 11 na lalaki na sinasabing gumagawa ng kalaswaan matapos silang makagamit ng GBL. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?