34

By

Bagong ride-hailing app, tablado sa LTFRB

Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng Go-Jek na makilala bilang panibagong transportation network company sa bansa.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra, nabigo ang Velox Technology Phils., Inc., ang subsidiary ng Go-Jek, na makapasa sa citizenship requirement at hindi rin naberipika ang aplikasyon base sa panuntunan ng ahensiya.

Nililimitahan ng Saligang Batas ng Pilipinas sa 40 porsiyento ang maaari lang maging bahagi ng isang banyaga o banyagang kumpanya sa ilang negosyo sa bansa.

Ngunit ayon kay Delgra, maaari pa rin namang umapela ang Go-Jek at ito aniya ay opsyon ng transport network company.

Pagdidiin nito, ang Velox ay buong pag-aari ng Go-Jek, samantalang ang Grab ay may lokal na kumpanya na MyTaxi.Ph.Inc.

Nagsimula ang Go-Jek sa Jakarta, Indonesia noong 2011 sa pamamagitan ng pag-aalok ng ride-hailing service hanggang sa lumago na ito sa delivery service.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?