pagara
By

Bagong prinsipe, inspirasyon ni Pagara

Sharing is caring!

Bukod sa pamilya, may bagong pinagkukuhanan ng inspirasyon si Pinoy boxer Albert Pagara.

Matapos patumbahin ni Pagara ang Ghanaian counterpart at maiuwing muli ang WBO Intercontinental super bantamweight belt, pinasalamatan ng Maasin, Leyte native at nagpa-abot ng special shoutout sa kanyang three-month old baby na si Prince Albert.

“Inspirasyon ko yung anak ko kasi yan yung first baby ko. Nangarap ako na magka-baby ako, para pag nagboboksing ako, may inspiration ako,” sabi ni Pagara.

Aniya, ang pagkakaroon ng anak ay isang dream come true kasabay ng kanyang world championships. Dagdag pa niya, mas nagiging pokus na siya ngayon sa kanyang ultimate goal sa tuwing masisilayan niya ang kanyang sanggol.

“Dati family ko yung inspiration ko, ngayon may baby ako, pag-umuuwi ako hindi puyat,” sabi pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?