42

Nov 30, 2020 @ 15:12
By

Bagong presyo ng swab test epektibo na ngayon

Ngayong Lunes na epektibo ang bagong price range para sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test o swab test na ginagawa upang makumpirma kung nahawa sa COVID-19 o hindi ang isang tao.

“Today is the official effectivity of this Department Circular on (PCR test) price range,” ani Health Secretary Francisco Duque III sa Laging Handa briefing, Nobyembre 30.

Noong nakaraang linggo, naglabas ng joint administrative order ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa takdang halaga ng isasagawang mga swab test: P3,800 para sa mga pampublikong health facility habang P4,500 hanggang P5,000 para naman sa mga pribadong ospital at laboratoryo.

Naglabas din ng hiwalay na Department Circular ang DOH hinggil dito noong Biyernes.

Dati, umaabot ng hanggang P10,000 ang halaga ng bawat COVID-19 swab test depende sa bilis ng paglalabas ng resulta nito. (SDC)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?