44

Bagong plaka ng mga sasakyan ilalabas sa 2018

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na magsisimula na silang tugunan ang mga backlog nila o hindi pa naibigay na 8.2 milyong plaka ng mga sasakyan na nabili mula pa noong Enero 2015 hanggang Disyembre 2017.

Ayon sa pahayag, sinabi ng LTO na nag-isyu na sila ng notice of award (NOA) sa nanalong bidder na gagawa ng mga plaka na may kabuuang P978.8 milyong halaga.

Ngunit nilinaw nitong nasa 3.4 milyong plaka pa lang ang mapoproseso at maire-release sa mga sasakyan na nabili mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2017, ayon sa CNN PH.

Ito ay dahil umano na ang P3.8 bilyong kontrata para sa 4.8 milyong plaka para sa Enero 2015 hanggang Hunyo 2016 na mga sasakyang nabili ay nasa Notice of Disallowance pa ng Commission on Audit (COA).

Ang utos na ito ng COA ay dahil sa alegasyon ng pagpabor sa panig ng Transportation Department sa supplier na J. Knieriem BV-Goes, isang Dutch firm, sa kabila ng alingasngas na wala itong pinansiyal na kapasidad upang gawin ang proyekto.

Ayon pa sa LTO, sakaling bawiin na ang notice ng COA ay kokontakin nila ang dating supplier kung nais pa nitong gawin ang kontrata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?