30
abante cbcp catholic bishop
By

Bagong pinuno ng CBCP, bukas sa dayalogo sa Duterte admin

Sharing is caring!

Tiniyak ng bagong pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na si Davao Archbishop Romulo Valles na magiging bukas siya sa pakikipagdayalogo sa administrasyong Duterte.

Sinabi ni Valles, bukas ang linya ng kanyang komunikasyon nang siya ay tanungin tungkol sa relasyon ng CBCP at ng gobyerno.

Pero paglilinaw ng arsobispo, ang pananaw ng Simbahan ay palaging titimbangin sang-ayon sa tinatawag na “Gospel values”.

“[No matter] how [the government] proposes [their] critique, our standpoint is we come from the viewpoint of the Gospel and the teachings of the Church. We will continue to engage the government,” saad ni Valles.

Magkagayunman, idinagdag ni Valles na bahagyang mainam na silang dalawa ni Pangulong Duterte ay parehong galing sa Davao City.

Pero ang CBCP aniya ay nagpapasya sa pamamagitan ng “consensus” kung saan ang mga obispo ay nagsusumite ng mga posibleng isyu na pag-uusapan sa plenary assembly.

Ngayong Enero, pangungunahan ni Valles ang kanyang unang plenary assembly sa CBCP bilang pinuno ng kapulungan ng mga obispo na idaraos sa Archdiocese of Cebu. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?