31

Jan 19, 2021 @ 19:38

Bagong paraan ng pagbati ng Pinoy lusot sa Kamara

Aprubado na sa final reading ng Kamara nitong Martes ang panukalang batas para sa bagong paraan ng pagbati ng mga Pilipino ngayong COVID-19 pandemic.

Sa botong 212-1-1, inaprubahan ng mababang kapulungan ang House Bill 8149 o ang “Bating Pilipino Para Sa Kalusugan Act” na inakda ni Marikina City Rep. Bayani Fernando.

Sa bagong paraan ng pagbati, ilalagay ang kanang palad sa gitna ng dibdib kasabay ng pagyuko ng ulo habang nakatingin sa ibaba.

Sakop nito ang mga Pilipino at lahat ng indibiduwal na nasa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?