15

Jul 20, 2021 @ 18:36
By

Bagong panganak na beybi nagpositibo sa COVID

Kabilang ang bagong silang na sanggol sa 150 bagong kaso ng COVID-19 sa Ilocos Norte.

Ayon sa ulat, mula sa bayan ng San Nicolas ang sanggol, na hindi pa batid kung paanong nahawa ng virus.

Sa ngayon ay umakyat na sa 1,390 ang aktibong kaso sa lalawigan.

Patuloy sa pagtaas ang bilang ng nagpopositibo sa Laoag City sa 627 active case, sumunod ang Batac City (130), Bangui (88), San Nicolas (79), Bacarra (63) at Paoay (59).

Lima naman ang nasawi dahil sa COVID sa Ilocos Norte, lahat ay mga senior citizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?