arrested2
By

Bagong panalong brgy. kagawad, kalaboso sa pagtutulak ng droga sa Laguna

Sharing is caring!

Kalaboso ang isang bagong halal na barangay kagawad dahil sa pagtutulak ng droga sa Calauan, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Christian Malbeda, kagawad sa Barangay Dayap Calauan, Laguna.

Ayon sa Laguna Provincial Police, dinakma ang kagawad ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit matapos na bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang poseur buyer.

Nasamsam mula sa kagawad ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu at P5,000 cash.

Nahaharap ngayon ang opisyal ng barangay sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?