58

Nov 5, 2017 @ 11:55

Bagong oil price hike na naman

Magtataas muli ng presyo sa kanilang mga produktong-petrolyo ang mga kumpaniya ng langis sa Lunes.

Base sa Consumer Price Advisory ng Department of Energy, posibleng umabot sa hanggang P.90 ang halaga ng idadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Samantal, maari naman mula P.50 hanggang P.60 ang ipatong sa kada litro ng krudo o diesel.

Posibleng madadagdagan naman hanggang P.80 ang kada litro ng kerosene.

Ang pagtaas sa halaga ng mga produktong-petrolyo bukas ang ikatlong sunod na mula noong nakalipas na buwan.

Bago mag-Undas nadagdagan pa ng P.25 ang kada litro ng gasolina at krudo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?