17

Jun 22, 2021 @ 19:37
By

Bagong nagpositibo, pinakamababa ngayong buwan

Nagtala ng 3,666 bagong COVID-19 case ang Department of Health (DOH) nitong Martes, June 22.

Noong Mayo 23 huling nagrehistro ang DOH ng mababa sa 4,000 na COVID case na 3,083.

Pumalo ang active case sa 52,696, karamihan o 91% ay may mild symptoms.

Samantala, 6,810 pasyente ang bagong nakarekober habang 60 ang bagong namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?