41

Bagong ‘Mulan’ ikinatuwa ng netizens

Sharing is caring!

Napili ang Chinese actress na si Liu Yifei na gumanap na ‘Mulan’ sa live-action adaptation ng 1998 animated movie.

Ang pelikulang ‘Mulan’ ay kuwento ng isang magiting na Chinese na si Hua Mulan na nagpanggap na lalaki para saluhin ang ama niyang may sakit na kinuha sa Chinese military kung saan sumabak siya sa training at nilabanan ang paghahari ng mga Hun.

Kamakailan lang ay pinukol ng kritisismo ang ilang Hollywood films dahil sa pag-itsapuwera sa mga Asian actors sa mga pagganap.

Dahil dito’y libong katao ang naglunsad ng online campaign upang kumuha ng Asian actress na gaganap na ‘Mulan’.

Kabilang sa tinuligsang pelikula ang Hollywood remake ng Japanese anime na ‘Ghost in the Shell’ na tinampukan ni Scarlett Johansson, kung saan Japanese umano dapat ang gumanap dito.

Kilala si Liu bilang aktres, model at singer sa China. Bihasa umano ito sa Inggles at nanirahan din sa New York.

Bago napili si Liu na gumanap bilang ‘Mulan’ ay 1,000 kandidata umano ang nag-audition para rito kung saan maraming natuwa sa pagpili na ito ng Disney lalo na ang mga Chinese netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }