108
Bagong mukha! Thirdy pasok sa Team Pilipinas Final 12
By

Bagong mukha! Thirdy pasok sa Team Pilipinas Final 12

Unang sali sa Team Pilipinas pool ay nakasikwat agad ng pwesto sa final 12-man lineup ang pinakabatang manlalaro sa national team.

Sorpresang bunot ni Team Pilipinas head coach Yeng Guiao ang collegiate star na si Thirdy Ravena para sa laban sa Qatar sa huling window ng 2019 Fiba Asian World Cup qualifiers.

Bukod sa 22-anyos na athletic guard, makakasama rin sa lineup ang dalawang magkakampi sa Magnolia na si Paul Lee at returning national team member Mark Barroca.

Kasama pa sa guard position ng tatlo ay sina Scottie Thompson, Gabe Norwood at Jayson Castro.

Para naman sa forward position, magpapakitang-gilas sina Marcio Lassiter at Troy Rosario.

Pwesto naman sa lugar ng mga higante sina Japeth Aguilar, Poy Erram, June Mar Fajardo at ang magbabalik-naturalized player na si Andray Blatche.

Laglag sa pool ang Rain or Shine center na si Raymond Almazan at TNT sharpshooter Roger Pogoy na bubunuin pa ang five-game suspension at posible nang mapili sa laban sa Kazakhstan.

Noong Pebrero 16 ay lumipad na pa-Doha ang Team PH haharapin ang Qataris sa February 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?