643

Apr 15, 2021 @ 18:11
By

Bagong mining agreement milyong trabaho malilikha – Salceda

Hindi umano dapat sayangin ng Pilipinas ang pagkakataon na kumita at makalikha ng milyong trabaho sa pamamagitan ng mga bagong mining agreement.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, mayaman ang bansa sa nickel at cooper na kailangan para sa baterya ng mga ginagawang electric vehicle at renewable energy.

Sinabi ni Salceda na tumataas ang demand sa paggawa ng baterya na kayang magtabi ng kuryente.

“We now have the power and the prospects to create millions of jobs in renewable energy, battery manufacturing, sustainable mining, and related sectors. This will be a key driver of economic recovery post-COVID, but we have to be very wise with our policies,” sabi ni Salceda.

Sa pagtataya ni Salceda, makalilikha ng 1.3 milyong trabaho ang nickel-related industries sa susunod na 10 taon.

“The world appears to see that this is the future. Top nickel buyer and electric vehicle manufacturer Tesla is already larger in market cap than all other major car manufacturers combined. Chinese electric vehicle manufacturers are also rising. Nickel will be very big, and as one of the world’s largest producers of nickel, we will be very important, if we will be wise,” punto ni Salceda.

Pero dapat umanong maging matalino ang gobyerno upang hindi masayang ang pagkakataong ito.

Ayon kay Salceda, kailangan ang pagkakaroon ng maayos na pagbubuwis sa pagmimina at pagkakaroon ng trust fund na magagamit sa mga komunidad kung saan isasagawa ang pagmimina.

Kailangan din umano na paghandaan ang pagtaas ng pagkonsumo sa enerhiya ng bansa upang masuportahan ang pangangailangan ng mga minahan at magkaroon ng pag-aaral para mas mapakinabangan at pahalagahan ang pagmimina sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?