120

Oct 19, 2017 @ 16:47

Bagong mga elevator, escalator sa LRT-2, magagamit na

Bukas na para magserbisyo sa publiko ang mga bagong elevator at escalator sa Light Rail Transit 2 (LRT-2).

Huwebes ng umaga nang pangunahan nina Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade at LRT-2 Administrator Reynaldo Berroya ang seremonya ng pagbubukas ng bagong conveyance system sa Recto station.

Kabilang sa magagamit na ng publiko ang 32 bagong mga elevator at 13 bagong mga escalator.

Sinabi ni Berroya, makalipas ang 15 taon na paghihirap ng mga pasahero ng LRT-2, napalitan na rin sa wakas ng bago ang mga escalator at elevator dito.

Noong Mayo, 2017 nang simulan ang pagpapalit ng depektibong conveyance system sa LRT-2 at ang proyekto ay nagkakahalaga ng P138 milyon.

Noong panahon na iyon, wala ni isa sa 32 elevators ng LRT-2 ang gumagana. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?