50

Jan 2, 2021 @ 18:15
By

Bagong mansyon ni Vice Ganda ipinasilip na

Ipinakita na ni Vice Ganda ang bago niyang bahay na parang mall na sa laki.

Sa YouTube ay ipinost ni Vice ang video ng tour sa kanyang bahay, na habang sinusulat ito ay mayroon nang mahigit 1.7 million views.

Kasama ang mga best friend niyang sina Negi, Orle at Kitty ay nilibot nila ang mansyon.

Ani Vice, deserved ng mga kaibigan niya na ma-enjoy ang bunga ng pinaghirapan niya dahil natamo niya ito kasama ang mga ito.

“Gusto kong i-share ito sa aking matatalik na kaibigan para makita naman nila kung ano ang pinaghirapan ko, na na-achieve ko kasama sila,” sey ni Vice.

Hindi naman napigilan nina Negi, Orle at Kitty na mamangha sa laki ng mansyon ni Vice.

Makikita sa living room ang isang lamp na nakalagay sa ulo ng rebultong kabayo na galing pa aniya sa ibang bansa.

Mayroon ding elevator ang mansyon ng comedienne, mga mamahaling painting, pool at sariling spa at sauna room.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,