131

Mar 1, 2020 @ 18:15

Bagong Malaysian Prime Minister nanumpa na

Nanumpa na ngayong Linggo, Marso 1, 2020, si Muhyiddin Yassin bilang bagong prime minister ng Malaysia.

Naganap ang seremonya sa tahanan ng Malaysian monarch o sa Istana Negara.

Kasama ng 72-anyos na opisyal, na nakasuot ng traditional outfit, ang kanyang asawa na si Noorainee Abdul Rahman.

“(Malaysian King Abdullah Ri’ayatuddin Al-Mustafa Billah Shah) said the appointment of the prime minister cannot be delayed for the well-being of the people and the nation. He believes this is the best decision for everyone and hopes this puts an end to the political crisis at the moment,” sabi ng Malaysian Palace sa isang pahayag.

Ito, matapos ang isang linggo ng politikal na krisis sa Malaysia, kabilang ang pagbaba sa pwesto ni dating Malaysian prime minister Dr. Mahathir Mohamad at ang pag-interview ng hari sa members of parliament ukol sa karapat-dapat na bagong PM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?