75

Jul 23, 2018 @ 13:11
By

Bagong LPA naispatan sa Southern Luzon

Palabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Tropical Depression “Josie” pero panibagong low pressure area (LPA) ang inaasahang papasok ng PAR ngayong araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy pa ring palalakasin ni “Josie” ang hanging habagat at maaaring magdulot pa rin ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan, at Western Visayas.

Huling namataan si “Josie” sa layong 275 kilometro ng north-northeast ng Basco, Batanes at gumagalaw pa-northwest sa bilis na 20 kph patungong Taiwan.

Sa loob naman ng susunod na 24 hanggang 48-oras ay inaasahang lalakas ang LPA bilang tropical depression.

Naispatan ito sa layong 1,230 kilometro ng silangan ng Southern Luzon.

Sakaling lumakas ay tatawagin itong “Karding”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?