253

Aug 27, 2019 @ 22:14
By

Bagong leading lady ni Alden, maalindog

May bago nang leading lady si Alden Richards sa Kapuso drama series na “The Gift”.

Karamihan ng eksena sa “The Gift” ay kinunan sa Divisoria at nakatakda umanong ipalabas sa susunod na buwan.

Ang “The Gift” ay kuwento ni Joseph (Alden) na alam ang mangyayari sa future at nakakabalik din sa nakalipas matapos niyang mabulag.

Makakasama ni Alden dito ang gorgeous Beauty Queen na si Thia Thomalla.

Si Thia ang nanalo sa Miss World Philippines pageant, bunsod nito siya ang naging kinatawan ng bansa sa Miss Eco International pageant sa Cairo, Egypt noong April 2017.

Siya ang kauna-unahang Filipina na kinoronahang Miss Eco International.

View this post on Instagram

@dior_dentalcare made my smile perfect!

A post shared by THIA (@thia_thomalla) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?