25

By

Bagong-layang lalaki, itinumba sa loob ng bahay

Sharing is caring!

Hindi na nagkaroon ng katuparan ang pangarap ng isang ina na makabagong buhay ang kanyang anak dahil pinatay ito sa loob ng kanilang bahay sa Taguig City.

Sinabi ni Rosalia Salonga, ng Barangay Ligid Tipas, kalalaya lang ng kanyang kulungan ang 27-anyos na anak na si Nomar at inilipat pa niya ito ng bahay para maiwas sa gulo.

Pag-amin pa nito maraming kaaway sa kanilang lugar ang anak.

Kamakalawa ng gabi, nabulabog na lang ang mga residente dahil sa putok ng baril at nang pasukin ng mga barangay tanod ang bahay ng biktima ay duguan na itong nakahandusay at wala ng buhay.

Nabatid na may mga nakuhang drug paraphernalia sa loob ng bahay at patuloy pang inaalam ang motibo sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?