189

Dec 6, 2019 @ 20:07
By

Bagong korona ng Miss Universe, ipinakita na!

Ibinida na sa publiko nitong Biyernes ni reigning Miss Universe Catriona Gray ang bagong Mouawad pageant crown.

Tinagurian itong “Power of Unity”.

Sinamahan si Queen Cat nina Miss Universe Organization President Paula Shugart at Mouawad co-guardian Pascual Mouawad sa pag-present sa korona sa Atlanta, Georgia.

Nagkakahalaga ng $5 million o nasa P254 million ang Mouawad crown.

Gawa ito sa 18-karat gold at nilagyan ng mahigit 1,770 diamonds kabilang ang shield-cut golden canary diamond na centerpiece na may timbang na 62.83 carats.

Ang mananalo sa 90 kandidata ang unang makakapagsuot ng ”Power of Unity” crown bilang Miss Universe 2019.

Target naman ng pambato ng bansa na si Gazini Ganados ang back-to-back title ng Pilipinas sa Miss U pageant na magaganap sa December 9 (Manila time).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?