9

Feb 17, 2021 @ 10:23

Bagong kaso ng Covid worldwide umonti

Bumagsak ng 16 porsiyento ang bilang ng mga naiulat na bagong kaso ng coronavirus disease sa buong mundo noong nakaraang linggo sa 2.7 milyon.

Ito ay mula sa higit 5 milyong mga kaso noong linggo ng Enero 4.

Ayon pa sa World Health Organization noong Pebrero 16, sa ulat ng Straits Times, bumaba rin ng 10% ang dami ng bagong COVID-19 deaths noong parehong panahon sa 81,000.

Lima sa anim na rehiyon ng WHO sa buong mundo ang nag-report ng double-digit percentage na pagbulusok sa mga bagong kaso. Ang Eastern Mediterranean lang ang tumaas ng 7% ang bilang.

Sabi pa ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, limang sunod na linggo nang bumababa ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa daigdig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?