28

Jan 11, 2022 @ 19:06
By

Bagong kaso ng Covid sa PNP patuloy tumataas

Naitala ang 537 na bagong kaso ng COVID-19 sa mga kapulisan, ayon sa Philippine National Police nitong Martes, Enero 11.

Umabot na sa kabuuang 43,992 ang dami ng mga nahawaan ng Coronavirus.

Nasa 2,412 naman ang aktibong kaso sa ngayon.

Samantala, ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, nagdagdag sila ng 80 kama sa Training Service facility at 100 na kama naman sa Badminton Court para ma-accommodate ang mga tauhan ng PNP na nagpositibo sa virus.

“We are adding more quarantine beds as a proactive measure just in case there will be more personnel who will need to undergo quarantine,” ani PNP chief.

Tiniyak din ni Carlos sa publiko na sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa hanay ng kapulisan, hindi nito mahahadlangan ang operational capabilities ng institusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?