25

Jun 23, 2022 @ 13:49
By

Bagong kaso ng Covid sa Muntinlupa tumaas — DOH

Tumaas ang lingguhang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos na maobserbahan ng Department of Health (DOH) ang mabilis na pagdami ng nahahawa ng virus sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa datos ng City Health Office (CHO), ang Muntinlupa ay nakapagtala ng 70 bagong kaso ng Coronavirus nitong Hunyo 13 hanggang 19.

Nasa 141 porsyentong mataas kumpara sa 29 na naitala noong nagdaang linggo.

Umakyat naman sa 31 ang bilang ng aktibong kaso sa naturang lugar nitong Hunyo 22.

Dahil dito, nanawagan ang pamahalaan ng Muntinlupa sa mga residente na patuloy na sumunod sa health protocol.

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?