10

Oct 11, 2021 @ 17:11
By

Bagong kaso ng COVID bumagsak sa 8K

Bumaba sa 8,292 ang mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

Ang naturang bilang ay ang pinakamababang single-day count ng mga bagong kaso mula pa noong Abril 29, kung saan naitala ang 8,276 na mga bagong kaso.

Kaya naman, pumalo sa 2,674,814 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa.

Ngunit tumaas naman sa 98,894 ang mga aktibong kaso dahil 302 lamang ang naitala ng DOH na nakarekober mula sa virus.

Sa mga aktibong kaso, 74.4% ang mild cases habang 15% ang asymptomatic.

Ang lahat naman ng gumaling sa COVID ay umakyat sa 2,536,260.

Samantala, ang mga bilang ng nasawi ay lumobo sa 39,660 matapos dumagdag ang 36 indibidwal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?