25

Jan 10, 2022 @ 18:22
By

Bagong kaso ng Covid-19 pumalo sa higit 33K — DOH

Umakyat na sa 33,169 ang pinakabagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Enero 10.

Ayon sa Department of Health (DOH), dumami na rin ang aktibong kaso sa bansa na umabot na sa 157,526.

Sa kabuuan, ang mga tinamaan ng sakit ay nasa 2,998,530 ang bilang.

Ang positivity rate naman ay nasa 46 porsyento batay sa 73,234 na na-test.

Umabot na rin sa kabuaang 2,788,711 ang mga gumaling matapos na marekober ang 3,725 pasyente ngayon.

Habang naitala naman ang 145 namatay na umabot sa kabuuang 52,293 ang dami ng mga nasawing indibidwal.

Samantala, nanatili pa rin sa Alert Level 3 ang Metro Manila sa kabila ng patuloy na dumaraming kaso ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?