38

Jan 6, 2022 @ 17:21
By

Bagong kaso ng Covid 19 pumalo sa higit 17K— DOH

Umabot na sa 17,220 ang pinakabagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes, Enero 6.

Nasa kabuuang 2,888,917 na ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Umakyat naman sa 56,561 ang bilang ng aktibong kaso sa ngayon.

Nasa 2,780,613 ang kabuaang dami ng mga gumaling sa sakit matapos makarekober ang 616 na pasyente.

Habang namatay naman ang 81 na indibidwal at umabot na sa kabuuang 51,743 ang dami ng mga nasawi sa Coronavirus.

Samantala, ang rehiyon na nakapagtala ng may pinakamataas na bilang ng COVID ay ang National Capital Region na may 68 porsyento. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?