23

Mar 7, 2021 @ 17:20
By

Bagong kaso baka pumalo sa 6K kada araw – OCTA

Posible umanong umabot mula 5,000 hanggang 6,000 ang maiulat na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa bawat araw pagsapit ng katapusan ng Marso.

Ayon ito sa taya ng independent research group na OCTA, Linggo.

Tantya rin ng grupo, posibleng umabot sa 2,000 ang daily case count ng Metro Manila sa Marso 21, at sa 3,000 naman bago mag-Abril.

“Based on our analysis of the data and the past trends in the NCR, we believe that a surge is already underway in some LGUs (local government units) in the region,” saad ng OCTA.

Bagaman kailangan pa ng beripikasyon, naniniwala ang grupo na ang pagsirit ng kaso sa Metro Manila ay posibleng dahil sa namataang bago at mas nakahahawang COVID-19 variants: ang United Kingdom variant at ang South African variant.

“The original strain does not spread this quickly considering the health guidelines in place.”

“It is important to stress the urgency of the situation as the UK and South African variants, which have already been identified in the NCR, are game-changing variants because they are more contagious and lethal and can potentially undermine our vaccination program,” dagdag ng grupo.

Tinuro ring dahilan ng OCTA sa paparaming impeksiyon ang “increased people mobility,” “poor or lax border controls,” “sparse testing,” at “leaky quarantines.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,