15

Feb 4, 2021 @ 15:00

Bagong kasal nagpunta sa reception sakay ng kalabaw

Trending online ang naging kasal ng isang magkababata sa Sigma, Capiz.

Kalabaw kasi ang naghatid sa kanila patungo sa kanilang wedding reception.

Kinasal sina Wenefredo Matillano Jr. at Mary Ann Amata-Matillano sa gitna ng sakahan.

Nang papunta na sila sa reception venue sa bahay ng babae sa Barangay Bangonbangon ay hindi makadaan ang kanilang bridal car.

Maputik kasi ang daanan dahil tuluy-tuloy ang pag-ulan doon sa linggo bago ang seremonya.

Kaya noon din ay nagpasya ang kanilang mga pamilya na isakay na lang ang bagong kasal sa karwahe na hinahatak ng kalabaw papunta sa reception.

Napaulat na ang karwahe ay pagmamay-ari ng tito ni Amata-Matillano at karaniwang nagbibitbit ng ani.

Isang kilometro rin ang binagtas ng kalabaw para maihatid sa venue sina Wenefredo Jr. at Mary Ann.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?