36

By

Bagong kanta ni Troye Sivan na ‘Lucky Strike’, nag-trending!

Hot na hot ang Australian Pop Star na si Troye Sivan sa kanyang latest music video na “Lucky Strike” galing sa kanyang sophomore album na “Bloom” na inilabas noong January 10, 2019 na mayroong tema na sunny beach kung saan si Emma Westernberg ang naging direktor nito.

Ayon sa Twitter, ang tema at ideya ng kanyang bagong music video ay maipakita ang kasiyahan at pagmamahalan ng magkakaibigan sa ilalim ng araw at dagat.

Ayon kay Sivan ito ay “Fun day at the beach” at “Beachside Romance”.

Samantala, nag-trending naman si Sivan sa Twitter matapos kumalat ang kanyang latest hit na may hashtag na #LuckyStrike.

Tuwang-tuwa ang Filipino fans sa kanyang bagong kanta ngunit European Tour naman ang kanyang next target para sa ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?