119
puyat2
By

Bagong kalihim ng DOT, apub sa mga kongresista

Sharing is caring!

Pasado sa mga kongresista ang bagong Tourism Secretary na si Bernadette Romulo-Puyat kapalit ng nagbitiw na si Wanda Teo.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, matagal na niyang kilala si Romulo-Puyat kaya alam niya ang passion nito sa trabaho.

Alam na alam din aniya nito ang pasikot-sikot sa takbo ng gobyerno at mayroon itong tinatawag na people skills kaya excited siya na masaksihan ang pamumuno ng bagong kalihim sa Department of Tourism.

Iminungkahi ni Biazon kay Romulo-Puyat na maglatag ng ecologically-sustainable philosophy sa pagpapaunlad ng sektor ng turismo at mag-develop ng world class scuba diving sa bansa.

Sa panig naman ni Siquijor Rep. Rav Rocamora, bilib ito sa record ng paglilingkod ni Romulo-Puyat sa Department of Agriculture (DA).

Ang haba ng serbisyo sa DA ay dapat umanong gamitin ng bagong kalihim para mag-develop naman ng farm at fisheries tourism.

Sabi pa ni Rocamora, isa ang Siquijor sa puwedeng maging showcase ng ganitong programa lalo pa at sila ngayon ang sumasalo ng mga turistang naghanap ng ibang mapupuntahan dahil sa pagsasara ng Boracay.

“While Siquijor is enjoying this windfall, I raise the warning bells on the island’s carrying capacity in terms of water, food availability and waste management. I hope that the new DOT Secretary takes special interest on our mystic island-province as we indeed have not just pristine beaches but likewise charming people. But as a small island-province faced with climate change challenges, Siquijor is very fragile. I want our development to be on the right track taking off from real lessons learned,” ani Rocamora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?