557

By

Bagong itsura ni Angelina Jolie, ikinagulat ng mga fan

Sharing is caring!

Marami ang hindi nakakilala sa aktres na si Angelina Jolie nang makasama ito sa isang group photo na pinost ng aktor na si David Oyelowo sa set ng pelikulang Come Away.

Suot ni Jolie ay isang blond curly wig at maraming netizen ang nagtanong kung si Angelina Jolie ba iyon?

Matagal na raw kasing hindi nakikita ng fans si Jolie na naka-blonde wig. Huli siyang nag-blonde hair ay sa pelikulang Salt.

Naging blondie rin si Jolie sa mga pelikulang Gone In Sixty Seconds at Girl, Interrupted.

“Our film COME AWAY is now in the can! Can’t wait to share this magical reimagining of Alice in Wonderland and Peter Pan with you all,” caption pa ni Oyelowo sa IG post.

‘Ang Come Away’ ang first movie ni Jolie in three years. Huli niyang pelikula ay kasama ang ex-husband niyang si Brad Pitt na By The Sea noong 2015.

Kasalukuyang ginagawa ni Jolie ang Maleficent 2 for Disney na ipapalabas pa sa May 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?