45

By

Bagong istruktura ng China sa WPS, pinaubaya sa DFA

Ibinigay ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-aksyon sa ulat na pagtatayo umano ng China ng Maritime Rescue Center sa pinagtatalunang mga isla sa West Philippine Sea.

Ang Maritime Rescue Center ang umano’y magsisilbing pinakamalaking logistics hub ng Tsina sa pinagtatalunang isla.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kanilang hihintayin ang tugon at aksiyon ni DFA Secretary Teddy ‘Boy” Locsin at ito ay sa sandaling makumpirma ang naturang ulat.

“Let’s wait for Secretary Locsin because that’s his turf. We don’t know kung may communication ba ang China or whether the Chinese Ambassador made any information. Locsin will make his position on the matter , we will leave it to him first,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na maaari din namang humantong ang aksyon ng gobyerno sa paghahain ng diplomatic process kung sakaling ma-validate ang pagtatayo ng bagong istruktura ng China sa West Philippine Sea.

Ang pagtatayo ng Maritime Rescue Center ng China sa isa sa mga pinag-aagawang isla ay inianunsiyo mismo ng government television ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?