42

By

Bagong IRR ng GCTA, inaasahang lalagdaan na

Inaasahang malalagdaan nitong Setyembre 16 ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang report o rekomendasyon ng binuong joint committee na bumalangkas sa implementing rules and regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sinabi ni DOJ spokesperson at Undersecretary Markk Perete, na kasalukuyan nang pinaplantsa ang isasagawang ceremonial signing nina Justice Secretary Menardo Guevarra at DILG Secretary Eduardo Año.

Kailangan din aniyang rebisahin muna ang nasabing report o rekomendasyon bago ito tuluyang lagdaan ng dalawang opisyal.

Samantala, kinumpirma naman ni Guevarra na kapag na-review na nila ito ni Año ay saka pa lamang nila ito lalagdaan para mai-publish sa mga pahayagan bago ipatupad nang tuluyan.

“Justice Secretary Guevarra and Interior and Local Government Secretary Ano have asked to meet the members of the DOJ-DILG Joint Review Committee regarding the recommendations they submitted,” ayon kay Perete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?