103

Bagong Iron Man! Tenorio mauungusan na si Patrimonio

Malapit nang malampasan ni LA Tenorio ang ‘walang pahinga’ record ni Alvin Patrimonio.

Kung mapapanatiling walang injury, ngayong season ay kayang kaya na ni ‘The Lieutenant’ na matigpas ang record ni ‘The Captain’ sa loob ng walong laro.

588 na laro na lang ay abot kamay na ni Tenorio ang record, na para sa kanya ay ang magsisilbing MVP trophy sa kanyang makulay na PBA career.

“For me, that’s gonna be my MVP trophy kasi hindi madaling gawin yun dahil maraming factors, hindi siya madaling gawin,” ayon kay Tenorio na mabuhat noong 2006 nang ma-draft ng San Miguel ay hindi pa nagagarahe kahit isang laro.

Malaking karangalan din para sa kanya ang makuha ang titulo bilang ‘Iron Man’ ng liga na hinahawakan ngayon ni Patrimonio nang sumalang mula 1992 hanggang sa magretiro na noong 2004.

“I saw him play before and go-hard siya kung maglaro kahit na iba yung physicality that time, so I’m gonna be very happy pag nakuha ko yun,” pakli ni Tenorio.

Magsisimula ang kampanya ni Tenorio sa Linggo, Enero 13 sa season opener ng PBA Philippine Cup kontra sa TNT Katropa sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?