36

Oct 15, 2017 @ 14:52

Bagong impeachment complaint kay Morales, nakaumang

Nakaumang na ang panibagong impeachment complaint na isasampa ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Paliwanag ni Atty. Manuel Luna, legal counsel ng VACC, sa Nobyembre 13 ay ihahain nila ang asunto laban kay Morales sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso.

Kabilang sa mga ipupunto ng VACC sa kanilang reklamo laban sa tanod-bayan ay ang multiple betrayal of public trust at culpable violation of the constitution.

Inaakusahan din nila si Morales ng neglect of duty, selective justice, use of falsified documents at graft and corruption.

Ani Luna, kanila na rin umanong pagsasama-samahin ang lahat ng mga reklamo ng iba’t ibang mga grupo laban kay Morales para sa tinawag niyang “Big Impeachment Complaint” laban sa Ombudsman.

Kabilang sa pinagsamang mga reklamo na isasampa laban kay Morales ay mula sa mga kaanak ng 44 na Special Action Force commandos na namatay sa Mamasapano clash. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?