82

Bagong Iibigin: Janah Zaplan

Si Janah Zaplan ang tinaguriang Millennial Pop Princess, ngunit hindi pala niya pinangarap na maging isang singer. Ang kanyang mga magulang ta laga ang nag-udyok sa kanya na pasukin ang propesyong ito, dahil napansin nila na maganda ang boses niya. “To be honest, being a singer wasn’t my dream at first. But because my parents pushed me to try it out, I realized that I enjoy singing, so it became my dream as well. That’s why I’m pursuing it today and I’m lucky that many opportunities are coming my way at the moment,” ani Janah.

Ang mga magulang ni Janah ay sina Gaudencia at Victor Zaplan. Ang nanay niya ay isang businesswoman habang ang tatay niya ay contractor. Kamusta naman ang relasyon niya sa kanyang mga magulang? “I have my ups and downs bilang isang anak, dahil sa sobrang stress sa school and other activities. But while I may not be expressive towards them, I love them naman kahit strict sila. Nasa lugar naman po ‘yung ganu’n nila, kasi strict lang po sila sa akin pagdating sa boys at food.”

Apat na magkakapatid sina Janah at siya ang bunso. Ang tatlo niyang kapatid ay sina Jaene Kamill, Jhem Karla at Joana Krizel. Kamusta naman siya bilang isang kapatid? “My sisters say open-minded daw po ako at mabait,” natatawang sabi ni Janah.

Ang real name ni Janah ay Janah Kristine P. Zaplan. She is 16 years old, at Grade 11 sa OB Montessori, Sta. Ana. She also plays volleyball for her school. Sa katunayan nga, siya ang captain ng kanilang team.

Inaamin ni Janah na minsan napapagod siya sa buhay ng isang singer, pero OK lang daw sa kanya ito kasi gusto naman niya ang ginagawa niya. “Of course I do enjoy singing and performing, pero may times na napapagod din po ako, pero kakayanin ko ang lahat ng ito, dahil gusto ko naman po maging sikat na singer,” aniya.

Si Janah ay under Ivory Music. Ang unang single niya rito ay “‘Di Ko Na Kaya” na maaari nang pakinggan sa Amazon, Deezer, iTunes, Spotify at YouTube. Ang second single niya na “Mahal Kita” na pino-promote niya sa ngayon ay available na rin sa mga digital platforms na ito. Ayon kay Janah, napunta siya sa Ivory Music dahil sa kaibigan ng mga magulang niya. “Napunta po ako ru’n dahil may kakilala sila mama. Pinakanta po ako ru’n, tapos nu’ng nagustuhan po nila ‘yung boses ko, ayun kinuha na po nila ako, ginawa na nila akong part ng kanilang family.”

Bagama’t baguhan pa lang si Janah sa music business ay nagkaroon na siya ng major solo concert na ginanap sa Music Museum last June 30, 2018. Naging special guests ni Janah sa concert niya sina Bugoy Cariño. Upgrade at Jeremiah. Naging matagumpay ang naturang konsiyerto. “Hindi po ako makapaniwala noon na magiging successful ang concert ko. Kaya sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng nanood, lalo na sa mga tagahanga ko, na lagi silang nandiyan para suportahahan ako sa lahat ng mga ginagawa ko. Sobrang mahal ko po sila.”

Pangarap ni Janah na makasama sa isang concert ang hinahangaan niyang si Sarah Geronimo. “Idol ko po talaga si Ms. Sarah. Kasi po parang lahat nasa kanya na, total performer, magaling siya mag-express ng feelings niya through singing and ‘di lang siya kumakanta, sumasayaw siya, nag-a-acting siya, kaya sobrang idol ko po talaga siya. Napanood ko po siya sa Miss Granny and sobrang galing niya roon.” Si Sarah ay nagsimula bilang isang singer, na later on ay pinasok na rin ang pag-aartista. Gusto rin ba ni Janah maging isang artista tulad ni Sarah? “Opo naman, lalo na I am a fan girl as well,” sagot niya. Dahil magaling siyang performer, kaya naman nang manominate siya bilang Best New Female Artist sa Aliw Awards 2018 ay siya ang nanalo. Sobrang happy si Janah sa pagkapanalo niya. “I still feel like I’m dreaming. Ang sarap po ng feelings ko that time, nu’ng manalo ako sa Aliw Awards. I just want to say thank you to everyone who has supported me and inspired me to be and do more, especially my dad, my mon and my family,” aniya.

She may not have wanted to become a singer initially, but now that she’s taken her first steps on the road to fame and fortune, best believe that there’s no turning back for the Millennial Pop Princess.

By Rommel Placente

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?