20
robert-barbers
By

Bagong halal na barangay officials, pinabubuo ng anti-drug action plans

Sharing is caring!

Pinakikilos ni House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers ang mga bagong halal na barangay chairmen at mga kagawad para agad bumuo ng three-year, term-based Barangay Peace and Order and Public Safety (BPOPS) at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) action plans.

Nagbabala si Barbers na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga opisyal ng barangay na mabibigong makapagsumite ng kanilang anti-drug action plans.

“I enjoin all our newly-elected barangay officials to immediately formulate their anti-drug abuse action plan in their respective localities within 60 days after assumption of office,” sabi ni Barbers.

“Otherwise, our House Committee on Dangerous Drugs, would initiate moves to compel the Department of the Interior and Local Government and the Dangerous Drugs Board to file criminal and administrative actions on non-compliant barangay officials,” dagdag ng kongresista.

Ang pagbuo ng BPOPS at BADAC action plans ay base sa Executive Order, DILG memorandum at Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation.

Dito’y inoobliga ang mga opisyal ng barangay na bigyan ng kopya ng inaprubahang BPOPS and BADAC action plans ang Barangay Development Council at city/municipal councils na maaaring pagbasehan sa pagbuo naman ng peace and order at public safety plan ng mga munisipyo at lungsod.

Sa ilalim naman ng Section 32 ng Republic Act No. 9165, o Dangerous Drugs Act of 2002, makukulong ng anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon, at magmumulta ng mula P10,000 hanggang P50,000 ang sinumang lumabag sa regulasyon ng DDB kabilang na ang submission ng anti-drugs plans ng mga barangay official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?